Posts

Showing posts from October, 2017

MGA PELIKULANG PILIPINO NA TUMATAK SA AKIN

Image
          Tayong mga Pilipino ay likas na mahilig manood ng mga pelikula lalo na sa panahon ngayon kung saan napakalawak  ng sakop ng midya sa ating pang araw-araw na pamumuhay. Tila ba’y nakagawian na nating abangan ang mga ipapalabas  na pelikula sa mga sinehan. Aminin niyo man o hindi, batid ko na mas maraming Pilipino ang tumatangkilik sa mga pelikulang dayuhan at maging ako ay isa rin dito. Talaga ngang napakalaki ng naidulot sa ating pag-iisip ng pananakop ng mga dayuhan at kahit tayo’y malaya na sa kanilang mga mapanlupig na kamay, patuloy pa rin nating iniisip na mas maganda at kahanga-hanga ang mga bagay na kanilang nilikha. Nagpatuloy ako sa pagtangkilik sa mga pelikula na likha ng mga dayuhan, marami na rin akong kinabaliwan sa mga ito, pero hindi ko mawari kung bakit parang may kulang. Hindi ko mawari kung bakit tila wala nang gaanong kasiyahan ang aking nakakamit nang nagtagal ang panahon na patuloy ako sa panunuod ng mga pelikulang ito.            Kaya nga ako’y labi